Ceremonial blessing sa dalawang bagong helicopter ng Air Force pinangunahan ni Pangulong Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial blessing ng dalawang bagong dating na “ATAK” Helicopters na binili ng Pilipinas sa Turkey.
Ito ang pinakabagong karagdagan sa air assets ng bansa sa ilalim ng modernization program ng ating Philippine Air Force (PAF).
Nagpasalamat ang pangulo sa Turkish Aerospace Industries at sa Turkish government bilang katuwang ng bansa sa pagpapalakas ng PAF.
Kinilala rin ni Marcos ang serbisyo at galing ng Air Force lalo na sa aspeto ng external defense, internal security operations, at disaster response at relief operations. (DDC)