22 arestado sa ikinasang Cyber Patrolling Operations ng PNP sa loob ng isang linggo

22 arestado sa ikinasang Cyber Patrolling Operations ng PNP sa loob ng isang linggo

Sa loob lamang ng isang linggo ay umabot sa 22 katao ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) sa ikinasang Cyber Patrolling Operations.

Isinagawa ang weeklong operations mula November 28 hanggang December 4, 2022.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rodolfo S. Azurin Jr. batay sa ulat ni Police Brigadier General Joel B Doria, Director ng ACG, lima sa mga naaresto ay dahil sa paglabag sa Art 315 o Swindling/Estafa in relation to Sec 6 of RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Mayroon namang isang naaresto dahil sa paglabag sa Computer Related Identity Theft ng RA 10175 at sa Art 315.

Mayroon ding nadakip nang dahil sa paglabag sa Art 178 o paggamit ng Fictitious Name.

Samantala, sa nasabi ring operasyon, ipinatupad ng mga otoridad ang labinglimang Warrants of Arrest na nagresulta sa pagkakadakip ng 15 wanted persons sa kasong may kaugnayan sa cybercrimes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *