LPA, Shear Line magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Makararanas ng makulimlim na panahon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Low Pressure Area at Shear Line.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 610 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Apektado naman ng Shear Line ang Northern Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Biyernes (Dec. 9) ang Mindanao, Visayas, Bicol Region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Quezon, Rizal, Laguna, at Batangas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa trough ng LPA.
Ganitong lagay din ng panahon ang mararanasan sa Cagayan, Apayao at Ilocos Norte dahil naman sa Shear Line.
Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)