LPA sa silangan ng Mindanao posibleng maging bagyo ayon sa PAGASA
Isang Low Pressure Area (LPA) ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 870 kilometers east ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na may posibilidad na maging bagyo sa susunod na mga araw ang naturang LPA.
Ang buntot ng LPA ay maaari nang makapaghatid ng pag-ulan sa Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas at Bicol Region. (DDC)