Las Piñas City pinarangalan ng DSWD sa pagpapatupad ng supplementary feeding program

Las Piñas City pinarangalan ng DSWD sa pagpapatupad ng supplementary feeding program

Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Las Pìnas City Government bilang Top 1 sa isinagawang supplementary feeding program na nagkamit ng pinamakataas na marka o porsiyento sa paghahatid ng maayos na nutrisyon.

Sa ilalim ng naturang programa ay may probisyon na pagkain na karagdagan sa regular na meals para sa mga batang naka-enroll sa mga day care center sa lungsod.

Layunin nitong mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga mag-aaral upang magkaroon ng wastong timbang at malusog na katawan na naaangkop sa kanilang edad at paglaki.

Nagpasalamat si Mayor Imelda Aguilar sa DSWD sa ipinagkaloob na parangal na kumikilala sa paghahatid ng serbisyo ng Las Piñas LGU sa mga nasasakupan.

Tiniyak ni Aguilar na magpapatuloy ang Pamahalaang Lungsod sa adhikain na siguruhin ang kapakanan at kalusugan ng bawat residente. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *