“No Leave Policy” ipatutupad ng PCG simula Dec. 15

“No Leave Policy” ipatutupad ng PCG simula Dec. 15

“No Leave Policy” ipatutupad ng PCG simula Dec. 15

Simula sa ika-15 ng Disyembre 2022 hanggang ika-07 ng Enero 2023, magpapatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng “No Leave Policy”.

Ito ay para masiguro ang ligtas, maayos, at komportable na biyahe ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya para ipagdiwang ang kapaskuhan.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, naka-heightened alert ang lahat ng Coast Guard District, Station, at Sub-Station sa buong bansa sa nabanggit na petsa.

Inaasahan ng PCG ang pagdagsa ng mga pasahero para magbakasyon kasama ang kanilang pamilya.

Alinsunod naman sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, magkakaroon ng deployment ng mga PCG security personnel, K9 teams, medical officers, at PCG Auxiliary (PCGA) volunteers sa mga paliparan, istasyon ng tren, at kalsada para mapangalagaan ang kapakanan ng mga mananakay ng pampublikong transportasyon.

Samantala, nanawagan si Abu ng kooperasyon ng publiko para maging ligtas at maayos ang kanilang pagbiyahe ngayong kapaskuhan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *