Mga dayuhan mula South Korea nangunguna sa listahan ng foreign arrivals sa Cebu

Mga dayuhan mula South Korea nangunguna sa listahan ng foreign arrivals sa Cebu

Umabot sa dalawang milyong turista na pawang local at foreign ang dumating sa Cebu sa nakalipas na siyam na buwan ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Department of Tourism – Central Visayas (DOT-7) nakapagtala ang Cebu ng kabuuang 2.3 million na tourist arrivals mula January hanggang September 2022.

Sa nasabing bilang 20 percent o 337,086 ay pawang mga dayuhan habang 1.9 million ang domestic tourists.

Lumabas din sa datos ng DOT-7 na ang South Korea ang nananatiling top market for foreign arrivals sa Cebu.

Ayon sa datos 85,490 ng foreign tourists sa Cebu ay mula sa South Korea.

Bago pa nagkaroon ng pandemya ng COVID-19 ang South Korea na ang largest market ng Cebu para sa foreign arrivals.

Sumusunod sa South Korea ang United States of America (USA) at China. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *