Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho bahagyang nabawasan noong Oktubre
Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong buwan ng Oktubre ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Gayunman, ayon sa PSA, bumaba naman ang bilang ng employed persons.
Sa October 2022 Labor Force Survey ng PSA sinabi ni PSA chief at National Statistician Dennis Mapa na noong Oktubre 2022, ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho o negosyo ay 2.44 million.
Mas mababa ito ng 2.50 million kumpara sa naitalang unemployed noong Setyembre.
Ang October unemployment rate ay kumakatawan sa 4.5 percent.
Sa kabila ng pagbaba ng mga walang trabahong indibidwal ay nagkaroon din ng pagbaba sa bilang ng mga employed Filipinos.
Ayon sa PSA, 47.11 million ang naitalang employed Filipinos nan mas mababa kumpara sa 47.58 million noong Setyembre. (DDC)