Telcos hinikayat ni Pangulong Marcos na makipagtulungan sa pamahalaan upang mapabuti ang digital infrastructure services
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Telco Summit 2022 na inorganisa ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Sa naturang pagtitipon sinabi ng pangulo na inaasahan niya ang pagtutulungan ng telecommunications companies at ng pamahalaan para matukoy ang mga hakbang sa pagpapabuti pa ng digital infrastructure services sa bansa.
Binanggit din niya ang mas pinalawak na implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng hangarin ng kanyang administrasyon na Digital Philippines, tulad ng Broadband ng Masa Program, Free Wi-Fi for All Program, ang Zamboanga-Basilan Wireless Broadband Network, at ang pagtatayo ng National Government Data Center.
Malaki ang papel ng telecommunications sector sa prayoridad ng administrasyon ni Marcos na mapaunlad pa ang digitalization ng mga transaksyon ng publiko sa pamahalaan. (DDC)