Pang. Marcos hinikayat ang mga negosyante na mamuhunan sa edukasyon, digitalization, at research

Pang. Marcos hinikayat ang mga negosyante na mamuhunan sa edukasyon, digitalization, at research

Binigyang-halaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pakikipagtulungan ng Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFCP) sa pamahalaan para makakuha ng mga oportunidad sa pamumuhunan ang Pilipinas.

Dumalo ang pangulo sa idinaos na ika-11 “Arangkada Philippines: Reform, Rebuild, Recover” sa Pasay City.

Sa nasabing aktibidad, binigyang-diin ng pangulo ang pangangailangan ng bansa ng foreign investments para sa sektor ng agrikultura at enerhiya.

Inimbitahan din niya ang mga negosyante na mamuhunan sa edukasyon, digitalization, at research sa pamamagitan ng public-private partnerships.

Ayon sa pangulo gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang mas mapadali pa ang pagnenegosyo sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *