1,000 puno itatanim ng DPWH sa bawat P5 million na halaga ng flood-control projects

1,000 puno itatanim ng DPWH sa bawat P5 million na halaga ng flood-control projects

Oobligahin ang mga contractor na mayroong flood-control projects na pinondohan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtanim ng mga puno.

Ito ay bilang pagsunod sa mandatory Tree Replacement Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa nilagdaang kautusan ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan kailangang ipatupad ang ng mga tanggapan nito sa buong bansa ang pagtatanim ng 1,000 sa bawat flood-control project na P5 million contract ang halaga.

At karagdagang 1,000 puno sa bawat karagdagang P5 million sa kontrata.

Ang polisiya ay batay na din sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matugunan ang deforestation sa buong bansa.

Ang gastos para sa planting activity ay isasama ng DPWH implementing offices sa ihahandang Program of Works (POW) sa bawat flood-control project.

Ang lugar kung saan gagawin ang tree planting ay tutukuyin sa pakikipag-ugnayan sa local government units at sa Community o Provincial Environment and Natural Resource Office.

Ang DENR din ang tutukoy kung anong tree species ang itatanim.

Habang ang LGUs naman ang mangangalaga sa mga itatanim na mga puno. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *