Zero backlog sa pag-iisyu ng driver’s license target ng LTO

Zero backlog sa pag-iisyu ng driver’s license target ng LTO

Napababa na ng Land Transportation Office (LTO) ang bilang ng backlogs sa pag-iisyu ng driver’s license.

Pero ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade target ng ahensya na makamit ang zero level sa backlog.

Para makamit ito, sinabi ni Tugade na sesentro ang ahensya sa paggamit ng digital technology at tuluyang pag-alis sa korapsyon at red tape.

Ani Tugade, mula sa halos 300,000 na backlog noong August 2022 bumaba na ito sa 92,000 noong November 2022.

Ang delay sa pagpapalabas ng driver’s licenses ayon kay Tugade ay dahil sa depektibong laser engraving machines sa ilang LTO district at extension offices.

Kamakailan inilabas ng LTO sa official Facebook page nito ang listahan ng kanilang mga tanggapan na na mayroong non-functioning o depektibong laser engravers.

Hinikayat ng LTO ang publiko na iwasan na muna ang magtungo sa mga opisina ng ahensya na mayroong depektibong engravers.

Ani Tugade, gumagawa na ng paraan ang LTO para masolusyonan ang problema.

Dahil kasi sa kakulangan ng pondo, hindi pa makabili ng bagong laser engravers ang LTO at sa halip ay inaayos na lamang muna ang mga sira. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *