Malakanyang nakiisa sa paggunita ng National Public Health Emergency Preparedness Day
Nakikiisa ang Office of the Press Secretary sa paggunita ng National Public Health Emergency Preparedness Day ngayong ika-6 ng Disyembre.
Isinusulong nito ang kahandaan at kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng emergency o sakuna.
Ang National Public Health Emergency Preparedness Day ay idineklara sa bisa ng Proclamation No. 705 s. 1995 dahil isa sa nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa ang health emergencies.
Layunin ng araw na ito na paigtingin ang pagbibigay ng impormasyon at kaalaman sa mga dapat gawin gaya ng first aid kung may emergency. (DDC)