8.0 percent inflation rate naitala noong Nobyembre; pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon

8.0 percent inflation rate naitala noong Nobyembre; pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon

Bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 8.0 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 7.7 percent lamang noong Oktubre.

Ito rin ang pinakamataas na inflation sa nakalipas na 14 na taon o mula noong Nov. 2008 kung kailan nakapagtala ng 9.1 percent inflation rate.

Ayon kay Deputy National Statistician OIC Divina Gracia Del Prado, sa mga lugar sa labas ng National Capital Region, ang pangunahing dahilan ng pagbilis ng antas ng inflation ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages.

Ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga gulay, Tubers, Cooking Bananas at iba pa, partikular ang talong, bigas, at Sugar, Confectionery and Desserts, tulad ng brown sugar.

Ang pangalawang nag-ambag sa pagtaas ng inflation sa mga lugar sa labas ng National Capital Region ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Restaurants and Accommodation Services.

Habang ang ikatlong commodity group na nag-ambag sa pagtaas ng antas ng inflation sa mga lugar sa labas ng National Capital Region ay ang Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services dahil sa pagtaas ng presyo ng other appliance, articles at mga produkto na “for personal use” gaya ng toothbrush at personal grooming treatments. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *