Ambassador ng Laos, Mongolia at Mauritania, nag-presenta ng kani-kanilang credentials kay Pangulong Marcos

Ambassador ng Laos, Mongolia at Mauritania, nag-presenta ng kani-kanilang credentials kay Pangulong Marcos

Dumating sa Malakanyang ang mga bagong ambassador ng Laos, Mongolia at Mauritania.

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang credentials ng tatlong ambassador na sina Resident-Ambassador Sonexay Vannaxay ng Lao People’s Democratic Republic, Resident-Ambassador BA Samba Mamadou ng Islamic Republic of Mauritania at Resident-Ambassador Enkhbayar Sosorbaram ng Republic of Mongolia.

Umaasa si Pangulong Marcos na makabubuo ng mas matibay na ugnayan sa tatlong nabanggit na mga bansa.

Ayon kay Ambassador Mamadou ang Mauritania ay maliit na bansa pero mayaman sa natural resources at fishery.

Mayroon ding minerals gaya ng coal, copper, at plutonium sa nasabing bansa at kamakailan ay nadiskubre na mayroon silang malaking gas deposits.

Samantala sinabi naman ni Marcos na umaasa din siyang lalago pa ang relasyon ng PIlipinas at Mongolia.

Ayon kay Ambassador Sosorbaram ang Pilipinas ay maituturing na “very important nation” sa Southeast Asia. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *