Dalawang may kalakasang pagyanig naitala sa lalawigan ng Bukidnon

Dalawang may kalakasang pagyanig naitala sa lalawigan ng Bukidnon

Magkasunod na tumama ang may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Bukidnon.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.4 na pagyanig sa 13 kilometers northwest ng Pangantucan, Bukidnon, 7:39 ng umaga ng Martes, Dec. 6.

May lalim na 7 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Talakag, Bukidnon; Kidapawan City, Cotabato; Cagayan de Oro City, Misamis Oriental; at Tupi, South Cotabato.

Samantala, makalipas ang ilang minuto ay nakapagtala naman ng magnitude 4.5 na lindol sa nasabi ring lalawigan.

Ang epicenter ng lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 4 kilometers northwest ng bayan ng Kalilangan, 7:54 ng umaga.

1 kilometer lamang ang lalim ng lindol at tectonic origin.

Ayon sa Phivolcs posibleng nagdulot ng pinsala ang dalawang pagyanig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *