Pamamahagi ng housing units sa Naic, Cavite pinangunahan ni Pangulong Marcos
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan ang problema sa pabahay sa bansa.
Pinangunahan ng pangulo ang turnover ng mga bahay sa mga benepisyaryo ng national Houseing Authority (NHA) sa Naic, Cavite.
Sa ilalim ng programa ng NHA, tinatayang nasa 30,000 housing units ang ipamamahagi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Marcos, hakbang ito patungo sa layunin ng pamahalaan ng mabigyan ng maayos na matitirahan ang mga mamamayan.
Hinikayat din ng pangulo ang NHA at iba pang ahensya ng gobyerno na patuloy na magkaloob ng pabahay sa mga nangangailangan. (DDC)