Cash gift ng GSIS pensioners matatanggap na simula bukas, Dec. 6

Cash gift ng GSIS pensioners matatanggap na simula bukas, Dec. 6

Maglalabas ang state pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ng kabuuang P3.35 bilyong pondo para sa Christmas cash gift na ipagkakaloob sa mahigit 328,000 na old-age at disability pensioners simula sa Disyembre 6.

“Alam namin ang Christmas cash gift ay  hinihintay  talaga ng aming GSIS pensioners at ito ang makapagpapasaya sa kanila ngayong Pasko.  Kaya simula December 6, na-credit na sa ecard nila ang kanilang cash gift at pwede na nilang i-withdraw,”sabi ni President at General Manager Wick Veloso.

Ipinabatid ni Veloso sa mga GSIS pensioners na tatanggap ng halagang katumbas ng isang buwang pensiyon hanggang sa maximum na P10,000.

Ang mga kuwalipikadong tatanggap ng Christmas cash gift ay ang mga old-age at disability pensioners sa ilalim ng Republic Act No. 8291 (GSIS Act of 1997); Presidential Decree No. 1146 (Revised GSIS Act of 1977); at Republic Act 660 (“Magic 87”) na tumatanggap ng kanilang regular na buwanang pensyon at nabubuhay pa nitong Nobyembre 30,2022.

Partikular rito ang mga pensioners na nag-avail ng five-year lump sum benefit at nagbalik sa kanilang regular monthly pensions matapos ang Disyembre 31, 2021 (kasunod ng five-year period), at mga miyembro na umalis mula sa serbisyo magmula 2006 hanggang 2022 bago umabot sa edad na 60-anyos na nagsimulang tumanggap ng kanilang regular monthly pension simula 2018 onward, at sa mga regular pensioners para sa limang taon.

Ang mga old-age at disability pensioners na suspendido ang estado ng Disyembre 31,2022 dahil sa hindi pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) ay tatanggap ng kanilang cash gift pagkatapos na ma-activate ang kanilang status.

Samantala ang mga sumusunod na hindi kwalipikadong makatanggap ng cash gift ay ang mga pensioners na kumuha ng five-year lump sum subalit tatanggap ng kanilang regular monthly pension makalipas ang Disyembre 31, 2022;  survivorship at dependent pensioners; nagretirong pensioners sa ilalim ng Republic Act 7699 (Portability Law); at sa mga tumatanggap ng pro-rata pension.

Ang mga bagong retirees mula 2018 hanggang 2022 na kumuha ng 18-month cash payment ng kanilang basic monthly pension at immediate pension sa ilalim ng RA 8291 at makatatanggap lamang ng cash gift limang  taon matapos ang kanilang retirement.

Sa mga interesadong partido na may mga katanungan ay bumisita sa GSIS website, o Facebook account, email gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa GSIS Contact Center na 8847-4747 kung sa Metro Manila o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers) o 1-800-10-847-4747 (para sa  Smart, Sun, at Talk ’N Text subscribers). (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *