Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Sa datos mula sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 4 kilometers northwest ng San Francisco, 1:51 ng madaling araw ng Lunes, Dec. 5.
May lalim na 31 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III
– Surigao City, Surigao del Norte
Intensity I
– Abuyog, Leyte
Hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershocks ang pagyanig. (DDC)