2nd Malabon Adopt-A-Park Site pinasinayaan ng MMDA
Binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Lokal na Pamahalaan ng Malabon City ang pinagandang Malabon People’s Park sa Barangay Catmon – ang ikalawang site ng lungsod sa ilalim ng Adopt-A-Park project ng ahensiya.
Sakop nito ang mahigit na 3,200 na metrong kuwadrado, ang bagong parke na may makulay na water fountains, playground equipment, landscaping, solar ground lights, entrance arc, artificial grass area, comfort rooms at informative signages.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na isinagawa ng ahensiya ang rehabilitadyon ng lugar upang masiyahan ang maraming residente lalo na ang mga bata.
“We are hoping that the people of Malabon will take good care of the park that is developed for them. Through this park, we can give our children a space to play safely.”
Nagpasalamat naman si Mayor Jeannie Sandoval sa MMDA at binigyang importansiya ang green space ngayong pandemya.
“Having open parks and spaces in the community would promote a healthy lifestyle among our constituents. Here, the kids can play while the adults can use the open area for wellness activities such as Zumba and exercise,” pahayag ng alkalde.
Mas malaki ang Malabon People’s Park kumpara sa unang parke ng lungsod sa Hulong Duhat Plaza na binuksan noong Setyembre 8, na nagtatampok ng makulay na water fountains, playsets, at open spaces.
Ang Adopt-a- Park project na inilunsad noong 2021 ay sa galing sa konsepto ni dating MMDA Chairman at ngayon ay Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.
Sa ilalim ng proyekto,ang LGU ay magmumungkahi ng lokasyon disenyo at pagtaya ng gastos,habang ang ahensiya naman ang magtatakda ng kriterya para sa pagpili ng lugar,pagpopondo at implementasyon ng konstruksiyon ng naturang project. (Bhelle Gamboa)