Pagpapailaw ng Christmas Tree sa Malakanyang pinangunahan ni Pangulong Marcos

Pagpapailaw ng Christmas Tree sa Malakanyang pinangunahan ni Pangulong Marcos

“Mapalad pa rin ang Pilipinas sa kabila ng mga nararanasang pagsubok”. Iyan ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang Christmas Tree Lighting ceremony sa Malacañan Palace noong Sabado ng gabi.

Ayon sa pangulo ang Pasko ay para sa mga bata kaya ginagawa ng kaniyang administrasyon ang lahat para masiguro na ang bawat bata ay at bawat Filipino ay magkakaroon ng masayang Pasko.

“And that is something that I think is a good goal for us this Christmas, since we have been blessed, all of us, despite all of the challenges we have faced, here we are, we have all been blessed,” ayon sa pangulo.

Pinasalamatan din ng pangulo ang lahat ng mga dumalo sa pagpapailaw ng Christmas Tree sa palasyo.

Naghatid aniya ito ng kakaibang saya at pakiramdam lalo pa at ilang taon ding hindi nagkaroon ng mga pagtitipon dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ani Marcos, tatlong taon na hindi naipagdiwang ng mga Pinoy ang Pasko kagaya ng nakagawian.

“Dahil iba talaga ang pagdiriwang ng Pasko pag nasa Pilipinas ka. Wala ka nang makikita na kahit saan sa buong mundo na mas masaya na tao kapag nagka-Pasko at lalong lalo na para sa mga bata,” dagdag ng presidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *