Mga nabiktima ng pagbaha sa Tagoloan, Misamis Oriental tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

Mga nabiktima ng pagbaha sa Tagoloan, Misamis Oriental tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

Nagsagawa ng relief effort team ni Senator Christopher “Bong” Go sa Tagoloan, Misamis Oriental para mahatiran ng tulong ang mga biktima ng pagbaha sa naturang bayan.

Sa kaniyang video message, iginiit ni Go ang kahalagahan na mapangalagaan ang kalusugan kaya hinikayat nito ang nasa 926 beneficiaries na lumapit sa Malasakit Centers sa Northern Mindanao Medical Center at J.R. Borja General Hospital sa Cagayan de Oro City kapag sila ay mayroong pangangailangang medikal.

Ang Malasakit Centers ay programa ng senador noong 2018 at naging ganap na batas sa sa pamamagitan ng Malasakit Centers Act of 2019 na isinulong ni Go.

Sa ilalim ng batas inaatasan ang mga ospital sa ilalim ng Department of Health gayundin ang Philippine General Hospital na magkaroon ng kani-kanilang Malasakit Centers.

“Kung kailangan n’yo po ng tulong sa Heart Center o ibang ospital sa Maynila, magsabi lang ho kayo. Tutulungan ho namin kayo. Kami na ho ang sasagot sa inyong pagpapaospital kung kakailanganin pong dalahin sa Maynila,” ayon kay Go.

Sa ngayon ay mayroon nang 153 Malasakit Centers sa bansa na nakatulong na sa mahigit 7 milyon na mahihirap na kapus-palad na pasyente.

Sinuportahan din ni Go ang pagtatayo ng Super Health Centers sa Binuangan at Libertad.

Ang mga Super Health Centers ay medium version ng polyclinics at mas malaki kumpara sa rural health units.

Nag-aalok ito ng mga serbisyo gaya ng out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical units.

Mayroon ding serbisyo gaya ng eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center at telemedicine.

Samantala kabilang sa mga inisyatiba ni Go para mas maisaayos pa healthcare system sa lalawigan ay ang pag-sponsor sa panukalang maitaas ang bed capacity sa Northern Mindanao Medical Center mula sa 600 patungong 1,200 beds at pagsuporta sa pagtatayo ng Northeastern Misamis General Hospital sa bayan ng Villanueva.

Sa nasabing event din, nanawagan si Go sa mga residente na magpabakuna kontra COVID-19 at kumpletuhin ang booster shots.

“Mga kababayan ko, mayro’n lang po kaming kaunting tulong sa inyo. Magtulungan lang po tayo. Sino ba namang magtutulungan kung ‘di tayo lang po mga kapwa nating Pilipino,” ayon pa kay Go.

Ang aktibidad ay ginawa sa Tagoloan Dome, Brgy. Poblacion, kung saan ang team ng senador ay namahagi ng vitamins, shirts, masks, at snacks sa mga residente.

May mga napagkalooban din ng bisikleta, cellular phones, sapatos at bola ng basketball at volleyball.

Ang mga tauhan naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi ng financial sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Samantala, suportado din ni Go bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance ang konstruksyon ng drainage system at flood control structures sa Iponan River, pagbili ng dagdag na mga ambulansya at fire trucks at dump trucks, at pagtatayo ng three-story multipurpose building sa Barangay 33 sa Cagayan de Oro City.

Tiniyak din ni Go ang suporta sa iba pang proyekto sa lalawigan gaya ng flood control projects sa Magsaysay, Medina at Gingoog City; multipurpose buildings sa Initao, Magsaysay at Gingoog City; rehabilitasyon ng local roads sa Baliangao, Balingasag, Balingoan, Initao, Lagonglong, Laguindingan, Libertad, Lugait, Magsaysay, Manticao at El Salvador City; at water systems sa Balingasag at Jasaan.

“Ako po bilang inyong senador, asahan niyo po na ako ay tutulong sa abot ng aking makakaya. Huwag po kayong magpasalamat sa akin, ako po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan niyo ho ako ng pagkakataon na pagsilbihan po kayong lahat,” dagdag ng senador. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *