Bahagi ng C5 Ortigas Flyover at C5 Pasig Blvd. Flyover sasailalim sa preventive rehab

Bahagi ng C5 Ortigas Flyover at C5 Pasig Blvd. Flyover sasailalim sa preventive rehab

Simula ngayong araw (Dec. 2) hanggang December 30 ay magsasagawa ng preventive rehabilitation ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bahagi ng southbound lane ng C-5 Ortigas Flyover at Pasig Boulevard Flyover.

Araw-araw na isasara sa daloy ng traffic ang bahagi ng dalawang flyover mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Ayon sa DPWH ito ay para maisaayos ang pinsala na nakita sa dalawang flyover at maiwasan ang aksidente.

Ang C5 Pasig Boulevard Flyover ay naitayo noong 1998 habang ang C-5 Ortigas Flyover ay noong 2004.

Sumasailalim ang dalawang flyover sa yearly routine maintenance, condition survey, at emergency condition survey.

Maglalaan ng P12.9 million para sa repair ng 37.25 meters ng five expansion joints ng C5 Ortigas Flyover, habang P18.7 million naman para sa repair ng 52.50 meters seven expansion joints ng C5 Pasig Boulevard Flyover.

Dahil sa gagawing preventive rehab asahan na ang mas mabigat na daloy ng traffic sa kahabaan ng C5 ngayong kasagsagan ng Holiday rush.

Ang C-5 Pasig Boulevard Flyover ang nagkukunekta sa Pasig City at Makati City, habang ang C-5 Ortigas Flyover ay nagsisilbing junction ng C-5 Road, at Ortigas Avenue. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *