Empleyado ng LTO huli sa entrapment operation sa Iloilo
Isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) Guimbal Extension Office ang inaresto sa entrapment operation sa Iloilo.
Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng LTO Region VI at Guimbal Municipal Police Station.
Dinakip ang empleyado na si Rosie G. Orbista, 61-anyos sa salang paglabag sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Ito ay makaraang tumanggap si Orbista ng marked money para isagawa ang iligal na proseso ng Motor Vehicle renewal sa LTO. (DDC)