Davao City Bypass Tunnel target mabuksan sa 2024
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Davao City Bypass Tunnel sa taong 2024.
Ayon sa DPWH, patuloy ang konstruksyon ng nasabing pasilidad at inaasahang sa 2024 ay magkakaroon na ito ng partial operation para sa unang 10.7-kilometer central portion nito.
Ang Davao City Bypass Construction Project ay may habang 45.5-kilometer na kapapalooban ng twin tube road mountain tunnel.
Ayon kay DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain ang Davao City tunnel ang magiging kauna-unahang long-distance mountain tunnel sa bansa.
Ang north portal ng Davao City tunnel ay matatagpuan sa Barangay Waan at ang south portal nito ay sa Barangay Matina Biao.
Ang Davao City ByPass Road Construction Project ay ipinatutupad sa ilalim ng DPWH Unified Project Management Office – Roads Management Cluster 1 (Bilateral).
Sa sandaling makumpleto, mapapaiksi ng bypass road ang travel time sa pagitan ng Toril, Davao City at northern Panabo City, Davao Del Norte sa 49 minutes na lamang mula sa kasalukuyang 2 oras sa pamamagitan ng Maharlika Highway. (DDC)