eTravel Platform inilunsad ng pamahalaan

eTravel Platform inilunsad ng pamahalaan

Inilunsad ng gobyerno ang eTravel Platform na isang online registration system para sa mga biyaherong darating sa bansa.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), simula, 12:01 ng madaling araw ng Biyernes (Dec. 2,2022) ang Health Declaration Checklist ng Department of Health-Bureau of Quarantine ay maaaring ma-access sa http://etravel.gov.ph

Sa pamamagitan ng three easy steps ay maaaring maisumite ang Electronic Travel Declaration.

Kailangan lamang bisitahin ang http://etravel.gov.ph, sagutan ang Personal Profile, Travel Details at Health Declaration at i-download ang QR code na ibibigay.

Maaaring mag-register ang mga biyahero tatlong araw bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *