Pagpapalaya ng BuCor sa senior citizens na PDL target bago magtapos ang 2022

Pagpapalaya ng BuCor sa senior citizens na PDL target bago magtapos ang 2022

Target ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya pa ng daan-daang senior citizen na Person Deprived of Liberty (PDL) na nakapiit sa iba’t ibang penal colony sa bansa.

Layunin nitong resolbahin ang masikip na mga piitan kabilang sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor Officer-in- Charge Director, General Gregorio Catapang na nais nilang mapalaya partikular ang mga PDL na may 65-anyos at pataas.

Masusing pinag-aaralan na ng BuCor ang mga kuwalipikadong PDL para sa executive clemency at parole upang maagang mapalaya ang mga nasabing inmate.

Idinagdag pa nito na bago matapos ang taon ayon ay may 300 hanggang 1,000 PDL ang inaasahang makalalaya at inaayos na ng DOJ, Public Attorney’s Office at BuCor ang kanilang mga dokumento.

Matatandaan sa mga nakalipas na buwan higit 900 PDL na ang napalaya mula sa iba’t ibang piitan sa ilalim ng bagong administrasyon.

Samantala sa susunod na taon nasa 3000 PDL din ang inaasahang iliipat Naman ng kulongan bilang bahagi parin ng decongestion.

Sa datos ng Deparment of Justice (DOJ), nasa 28,000 na PDL ang nakapiit sa NBP na ang kapasidad lamang ay 6,000. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *