Comment sections sa social media channel ng SSS inalis na

Comment sections sa social media channel ng SSS inalis na

Simula ngayong araw, Dec. 1, 2022 ay “disabled” na ang comment sections sa mga official social media channel ng Social Security System (SSS).

Ayon sa SSS, ito ay para mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng SSS at ng publiko, at upang maproteksyunan ang personal na impormasyon ng kanilang mga miyembro.

Sinabi ng SSS na simula ngayong, Dec. 1 ang lahat ng komentaryo, tanong, reklamo at suhestiyon ay dapat idaa na sa “uSSSap Tayo Portal” sa crms.sss.gov.ph

Ang “uSSSap Tayo Portal” ay isang self-service facility kung saan ang mga stakeholder ay maaaring makahanap ng SSS information at makipag-ugnayan ng diretso sa mga Internal Communication Expert ng SSS.

Ito ay para din sa mas mabilis at mas epektibong paghawak, pagsubaybay, at pagresolba ng mga feedback at concerns ng mga miyembro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *