Shear Line, ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang Shear Line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Apayao, Cagayan, Rizal, Laguna, Quezon, at Camarines Norte.
ITCZ naman ang magpapaulan sa Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, at Zamboanga del Norte.
Ayon sa PAGASA, ang mararanasang katamtaman hanggang sa malakas na ubhos ng ulan ay maaaring magdulot ng flash floods o landslides.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa dahil sa ITCZ at localized thunderstorms. (DDC)