Pagpapalawak ng Tastas Bridge sa Ligao City, Albay natapos na ng DPWH
Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang widening sa Tastas Bridge sa Ligao City, Albay.
Sa ulat ni DPWH Regional Office 5 Director Virgilio C. Eduarte kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan ginawang 2-way traffic ang tulay.
Inaasaha ayon kay Eduarte na mas magiging mabilis at ligtas ang biyahe ng mga motorista lalo na ang mga patungo sa upland barangays ng Ligao.
Ang Tastas Bridge na nasa Sta. Cruz – Pandan Road ay magsisilbing mas mabilis na ruta para sa mga biyahero mula at patungong Pio Duran, Albay.
Ang tulay ay may habang 60.60 meters, at lapad na 7.32 meters.
Pinondohan ito ng P50 million ng DPWH Albay 3rd District Engineering Office. (DDC)