Mga doktor, klinika binalaan ng LTO sa pag-iisyu ng medical certificates nang hindi nagsasagawa ng physical examination
Binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga accredited doctors at medical clinics na itigil ang kanilang “no show” activity.
Ayon sa LTO, maaari silang maharap sa suspensyon o permanenteng pagpapasara.
Ginawa ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang babala kasunod ng ulat na ilang medical clinics at doktor ang nag-iisyu ng medical certificates sa mga aplikante ng driver’s license kahit hindi naisasailalim sa aktwal na physical examination.
“My marching orders to all regional and district offices nationwide was to weed out corruption not only in LTO offices themselves but also those in accredited partners like medical clinics, whose services are part of the process for securing driver’s licenses or motor vehicle registration,” ayon kay Tugade.
Ayon kay Tugade ang medical certificate ay importanteng bahagi ng driver’s license application process para masiguro na ang aplikante ay “fit” para magmaneho.
Una nang pinatawan ng LTO ng 60-araw na suspensyon ang isang Medical Clinic sa Bacolod City.
Ito ay dahil sa kaduda-dudang pag-iisyu nito ng 186 medical certificates sa loob lamang ng isang araw. (DDC)