VP Sara Duterte nakakuha ng 86 percent trust rating sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research

VP Sara Duterte nakakuha ng 86 percent trust rating sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research

Nakakuha ng 86 percent na trust rating si Vice President Sara Duterte sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Ang survey ay isinagawa mula Oct. 23 hanggang 27, 2022.

Sa mga isinailalim sa survey, 86 percent ang nagtitiwala kay Duterte, 4 percent ang hindi at 10 percent and undecided.

98% ang nakuhang trust rating ni Duterte sa Mindanao, 88% sa Visayas, 83% sa National Capital Region, at 81% sa Balance Luzon.

Samantala, nakakuha naman si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ng 52% trust rating.

38% naman ang nagsabing nagtitiwala kay House Speaker Martin Romualdez.

Habang nakakuha naman ng 24% trust rating si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *