Mensahe ni Pangulong Marcos sa mga Filipino sa paggunita ng Bonifacio Day: maging tapat at mahalin ang bansa

Mensahe ni Pangulong Marcos sa mga Filipino sa paggunita ng Bonifacio Day: maging tapat at mahalin ang bansa

“Maging tapat at mahalin ang bansa katulad ng mga bayani”. Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pubilko sa paggunita ng 159th birth anniversary ni Andres Bonifacio.

Dumalo si Marcos sa aktibidad sa Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City.

Sa kaniyang speech, inalala ni Marcos ang mga sakripisyo ni Andres Bonifacio at iba pang bayani.

Hinikayat ng pangulo ang bawat isa na patuloy na parangalan si Bonifacio at ang mlahat ng mga bayani kilala man o hindi na nag-alay ng kailang buhay para makamit ng bansa ang kalayaan.

Sinabi ni Marcos na ang pagmamahal sa bansa ay ipinapakita ng mga maituturing na modern-day heroes gaya na lamang ng mga medical frontliners, police, military, overseas Filipino workers, at mga Filipino na patuloy na naninilbihan sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *