Mga katutubo poprotektahan laban sa human trafficking

Mga katutubo poprotektahan laban sa human trafficking

Suportado ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hakbang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay proteksyon sa mga katutubo laban sa “human trafficking.”

Sa pagbisita ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa Zamboanga City, inilatag ni PCG District Southwestern Mindanao Commander, CG Commodore Marco Antonio Gines, ang mga inisiyatibo ng Coast Guard para malabanan ang human trafficking ng mga katutubo.

Kabilang dito ang mas mahigpit na inspeksyon sa mga pantalan at pagpalalawak ng kooperasyon sa lokal na pamahalaan para maingatan ang kapakanan ng mga ito.

Panawagan ni Tulfo, tuluyang tapusin ang aktibidad ng mga sindikato na di umano’y nagdadala sa mga katutubo mula sa probinsya papuntang Maynila para manlimos sa kalsada.

Dagdag pa ng kalihim, mahalaga na maresolba ang problemang ito ngayong papalapit ang kapaskuhan kung kailan mas talamak ang presensya ng mga katutubo sa lansangan na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *