First responders sa tatlong munisipalidad sa Pangasinan sinanay sa Water Search and Rescue

First responders sa tatlong munisipalidad sa Pangasinan sinanay sa Water Search and Rescue

Nagsagawa ng Water Search and Rescue (WASAR) training ang Philippine Coast Guard (PCG) District Northwestern Luzon sa mga first responder mula sa tatlong munisipalidad sa Pangasinan.

Ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) ng Sual, Mangatarem, at Bani ay sumailalim din sa Rubber Boat Operations and Maintenance (RBOM) training.

Sumentro ang lectures at simulation exercises sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa emergency response operations lalo na kapag mayroong natural calamities at maritime accidents.

Ayon kay Engr. Edward C. Soquila, MDRRMO officer ng Mangatarem, Pangasinan, malaking tulong ito sa kanilang mga staff sa MDRRMO upang maging handa anumang uri ng kalamidad ang dumating. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *