Kampanya para maideklarang ‘smoke-free’ ang Manila Bay inilusand ng DOH

Kampanya para maideklarang ‘smoke-free’ ang Manila Bay inilusand ng DOH

Inilunsad ng Department of Health (DOH)-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) ang kampanya na layong maideklara bilang smoke-free ang Manila Bay.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Manila Baywalk Dolomite Beach bilang paggunita din sa Lung Center Awareness Month.

Ayon kay DOH-MMCHD Regional Director Gloria Balboa, dahil kabilang na ang Manila Bay sa mga magagandang lugar na binibisita ng publiko mahalagang malinis ang hangin na kanilang malalanghap.

Nangako naman ang iba’t ibang grupo kabilang ang mga NGOs na magdo-donate sila ng No Smoking sign na ilalagay sa bahagi ng Dolomite Beach.

Sa lahat ng uri ng sakit na cancer ang lung cancer ang may pinakamataas na mortality rate.

Noong 2020, umabot sa 17,063 ang nasawi dahil sa lung cancer. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *