Inilunsad na bagong anti-illegal drugs campaign na “BIDA” ng DILG suportado ng NCRPO
Nangako nang buong suporta ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa implementasyon ng inilunsad na bagong kampanya kontra ilegal na droga na “BIDA” ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa Metro Manila.
“Team NCRPO pledges all out support to the Department of the Interior and Local Government’s (DILG) new anti-ilegal drugs campaign, “BIDA”. With the brilliance and attainability of the program, your police force is certain and optimistic to gain better results in its intensified illegal drug operations to fully eliminate the widespread use and sale of illegal drugs in Metro Manila,” pahayag ni Acting Regional Director, Brigadier General Jonnel C. Estomo.
Kasunod ito sa pagsama ng NCRPO sa nationwide simultaneous grand launching ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program sa pangunguna ni DILG Secretary, Atty. Benjamin C Abalos Jr. sa Quezon Memorial Circle, Quezon City at tatlong ibang mga venue sa bansa.
Ang “BIDA” ay pambansang adbokasiyang programa kontra ilegal na droga na lalahukan ng Local Government Units (LGUs), National Government Agencies (NGAs), at ibang key sectors ng lipunan.
Pangunahing layunin nito na mabawasan ang demand sa droga at magbigay ng community-based drug rehabilitation bilang karagdagan sa mga naarestong drug offenders.
Dinaluhan ito ng halos 25,000 na indibiduwal mula sa DILG, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Advocacy Support Groups, NEMSQ, ibang ahensiya ng pamahalaan at religious sector.
“Sa ating lahat, ang hamon ay ugatin natin ang problema ng droga. Dito sa BIDA, hindi lang kapulisan at iba pang law enforcement units ang kikilos, hanggang grassroots kasama natin dapat dito. Lahat tayo, magtulungan, iyan ang hinihingi namin. Life is truly worth living. Say no to drugs at maging BIDA tayong lahat laban sa iligal na droga,” ani Atty. Abalos Jr.
Nagsagawa din ng ilang aktibidad tulad ng walkathon at zumba dance na sinundan ng dance performance ng P-Pop Generation at street parade na may kasamang marching band.
“Ito ay isang napakagandang programa ng ating SILG na lalong magbibigay ng inspirasyon at sigla sa Team NCRPO upang paigtingin ang ating kampanya laban sa ipinagbabawal na droga na siyang nakakasira ng ating mga mamamayan lalo na ang ating mga kabataan,” pagtatapos ni ARD Estomo. (Bhelle Gamboa)