Las Piñas Sanggunian nagsagawa ng ika-20 regular session
Masusing tinalakay ng Sangguniang Panlungsod ng Las Pinas ang ilang prayoridad na hakbang at katatapos na mga aktibidad sa ginanap nitong ika-20 regular na sesyon.
Kabilang sa mahahalagang pinag-usapan ang mga nakaendorsong kahilingan para sa moratoryum ng buwis ng pamilya Basa, aplikasyon para sa akreditasyon ng civil society organizations, supplemental budget ng Barangay Pulanglupa I, at iba pang hirit tungkol sa pagtatanggal o pagwaive ng penalty at interes sa negosyo at pagsasalin ng mga buwis.
Pinangunahan ang sesyon ni Vice Mayor at Presiding Officer April Aguilar na dinaluhan naman nina Councilor & Majority Floor Leader Ruben C. Ramos, Councilor & Assistant Majority Floor Leader Danilo V. Hernandez, Councilor & Minority Leader Mark Anthony Santos, Councilor & President Pro Tempore Oscar C. Peña, City Councilors Filemon C. Aguilar III, Lord Linley R. Aguilar, John Jess C. Bustamante, Luis I. Bustamante, Emmanuel Luis C. Casimiro, Florante S. Dela Cruz, Henry C. Medina, Rex H. Riguera, Liga ng mga Barangay President Roberto H. Cristobal, at SK Federation President Rachelle R. Dela Peña. (Bhelle Gamboa)