Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Marcos admin

Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Marcos admin

Naniniwala ang 85% ng mga Pilipino na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang resulta ng isinagawang 4th quarter “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research.

Isinagawa ang survey noong Oktubre 23 hanggang 27, 2022 kung saan tinanong ang mga respondent ng “Base sa mga programa at polisiyang inilahad at ginawa ng kasalukuyang administrasyon, sa tingin mo ba ay patungo sa tamang direksyon ang ating bansa?”

85 percent sa kabuuang 1,200 respondents ang sumagot ng “oo”, 6 percent ang “hindi”, at 9 percent naman ang “hindi alam o hindi sumagot.”

91 percent sa mga taga-Visayas ang nagsabing nasa tamang direksyon ang bansa; 87 percent sa Balance Luzon; 84 percent sa Mindanao; at 70 percent sa Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *