Monkeypox tatawagin na bilang “mpox” ayon sa WHO
Papangalanan na bilang “mpox” ang sakit na monkeypox ayon sa World Health Organization (WHO).
Ayon sa WHO, unang tinawag na “monkeypox” ang sakit dahil ang virus ay simulang natukoy sa mga unggoy noong 1958.
Gayunman, kalaunan, natukoy na rin ang sakit sa iba pang mga hayop.
Habang una itong nadiskubre sa mga tao noong 1970 sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa WHO, hindi na gagamitin ang “monkeypox” at sa halip ay “mpox” na ang itatawag sa sakit matapos ang isinagawang serye ng konsultasyon sa mga global expert.
Sa huling datos ng WHO, umabot na sa 81,107 ang kumpirmadong kaso ng sakit at 110 na mga bansa ang apektado nito. (DDC)