Pag-iral ng number coding suspendido bukas (Nov. 30) ayon sa MMDA

Pag-iral ng number coding suspendido bukas (Nov. 30) ayon sa MMDA

Suspendido ang pag-iral ng number coding bukas araw ng Miyerkules (Nov. 30).

Ang nasabing petsa ay deklaradong Regular Holiday bilang paggunita sa Bonifacio Day.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 7 am-10 am at 5 pm-8 pm.

Dahil dito ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 5 at 6 na sakop ng coding tuwing Miyerkules ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *