8,029 pumasa sa Civil Engineer Licensure Examination
Umabot sa 8,029 mula sa 20,407 na examiness ang nakapasa sa idinaos na 2022 Civil Engineer Licensure Examination.
Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ilang araw matapos ang idinaos na pagsusulit ng Board of Civil Engineering sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Si Carl Jervin Rivera Magtira mula sa UP-Los BaƱos ang top 1 sa pagsusulit.
Itinakda naman na ng PRC ang online registration para sa pagpapalabas ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa January 30 hanggang 31, February 1 hanggang 3, February 6 hanggang 10 at February 13 hanggang 15, 2023.
Maaaring bisitahina ng www.prc.gov.ph para sa instructions sa initial registration. (DDC)