Kaso ng Chikungunya sa bansa tumaas sa nakalipas na apat na buwan

Kaso ng Chikungunya sa bansa tumaas sa nakalipas na apat na buwan

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng Chikungunya sa bansa sa nakalipas na apat na buwan.

Ayon sa datos mula sa DOH, naitala ang 551 kaso ng Chikungunya sa bansa na 589% na mas mataas kumpara sa nakaraang taon.

Partikular na nakapagtala ng pagtaas ng kaso sa mga lugar na nalubog sa tubig-baha dahil sa mga pag-ulan na dulot ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ayon sa DOH, hindi kasing lubha ng dengue ang Chikungunya ngunit wala pa ring bakuna o gamot laban dito.

Dahil dito, hinihikayat ang lahat na panatilihing malusog ang sarili at malinis ang ating kapaligiran upang hindi mabiktima ng sakit.

Kabilang sa sintomas ng sakit ang mataas na lagnat, biglaang pamamantal, labis na sakit ng ulo, pananait at pamamaga ng kasu-kasuan, pananakit ng kalamnan, pagduduwal at pagkahapo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *