Guidelines sa pagbibigay ng 13th Month Pay inilabas ng DOLE

Guidelines sa pagbibigay ng 13th Month Pay inilabas ng DOLE

Nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Labor Advisory na naglalatag ng guidelines sa pagbabayad ng 13th Month Pay sa mga empleyado.

Sa Labor Advisory No. 23 na inilabas ng DOLE ngayong araw ng Lunes, Nov. 28, nakasaad na ang mga rank-and-file employees sa private sector ay dapat makatanggap ng 13th Month Pay anuman ang kanilang posisyon, designation o employment status.

Kinakailangan lamang na sila ay nakapagtrabaho na sa kumpanya ng hindi bababa sa isang buwan ngayong kasalukuyang calendar year.

Kabilang sa dapat na tumanggap ng 13th Month Pay ang mga rank-and-file employees na sinuswelduhan ng piece-rate basis, fixed, o guaranteed wage plus commission.

Ang halaga ng 13th Month Pay ay dapat hindi bababa sa 1/12 (one-twelfth) ng total basic salary na natanggap ng empleyado sa loob ng calendar year.

Kailangan itong maibigay bago o sa mismong Dec. 24, 2022.

Ayon sa DOLE, hindi pinapayagan ang paghahain ng exemption o deferment sa pagbabayad ng 13th Month Pay.

Dapat ding magsumite ang mga employer ng kanilang compliance report sa DOLE bago mag-Jan. 15, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *