Kampanya kontra illegal drugs sa Cagayan de Oro City mas palalakasin pa
Target ng lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro City na mas madagdagan pa ang bilang ng mga drug-free barangay sa lungsod.
Sa paglulunsad ng anti-drug campaign na “Buhay Ingatan, Drogay Ayawan (BIDA)”, sinabi ni Cagayan De Oro City Coun. Romelo Calizo na 23 mula sa 80 barangay sa lungsod ang naideklara nang drug free noong nagdaang administrasyon.
Umaasa si Calizo na mas magiging matagumpay ang anti-illegal drug campaign sa ilalim ng pagpapatupad ng BIDA.
Sa paglulunsad ng BIDA campaign nagbigay din ng video message si CDO City Mayor Rolando Uy at tiniyak ang suporta ng LGU sa national program para matugunan ang problema sa illegal drugs. (DDC)