Parallel runway ng Mactan-Cebu International Airport magagamit na sa susunod na taon
Maaari nang magamit ang parallel runway ng Mactan-Cebu International Airport simula sa taong 2023.
Ito ang magiging kauna-unahang parallel runway sa bansa at magiging ikalawang runway sa MCIA.
Ayon kay Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) general manager, Julius Neri Jr., sa katapusan ng Enero inaasahang matatapos ang konstruksyon ng bagong runway.
Pagkatapos ng konstruksyon ng runway, magkakaroon pa ng drafting ng aeronautical survey at konsultasyon sa mga foriegn aviation regulatory body.
Sinabi ni Neri na posibleng sa ikatlong quarter ng susunod na taon ay magagamit na ang runway.
Ginastusan ng P2 billion ang runway na inumpisahang itayo noong taong 2020. (DDC)