Workplaces dapat may Committee on Decorum and Investigation na poprotekta sa mga babaeng manggagawa
Sa paggunita ng 18-day Campaign to End Violence Against Women, ipinaalala ng Philippine Commission on Women (PCW) na ang mga workplace ay dapat mayroong Committee on Decorum and Investigation (CODI).
Sa ilalim ng Safe Spaces Act, dapat bumuo ng CODI ang bawat workplaces na tutugon at mag-iimbestiga sa mga kaso ng gender-based sexual harrassment.
Paalala naman ng National Wages and Productivity Commission sa mga babaeng manggagawa, ang paghingi ng sekswal na pabor kapalit ng mataas na marka sa evaluation, mataas na sahod o iba pang benepisyo sa trabaho ay bawal sa ilalim ng Safe Spaces Act.
Kung makararanas ng ganitong pagtrato, ipinayo ng NWPC na agad sumangguni sa CODI. (DDC)