Iloilo City muling nanguna sa Bike Lane Awards ng DOTr

Iloilo City muling nanguna sa Bike Lane Awards ng DOTr

Kinilala ng Department of Transportation ang mga hakbang na ginagawa ng mga Local Government Unit (LGUs) sa pagsusulong ng active transportation.

Sa paggunita ng National Bike Day: Bike Lane Awards, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na sa nakalipas na dalawang taon ay marami nang naisagawang programa ang mga LGU.

Ginawaran ang Iloilo City ng Gold Award bilang nangungunang lungsod sa pagsuporta sa cycling.

Ito na ang ikalawang sunod na taon na nakuha ng Iloilo City ang Gold Award.

Nakamit naman ng Quezon City ang Silver Award at ang Mandaue City ang nanalo ng Bronze Award.

Ang mga nakatanggap ng Bike Lane Awards ay nabigyan ng mga bisikleta na ipagkakaloob sa mga benepisyaryo ng nagwaging LGUs sa ilalim ng Wheels for Work ng Ayala Foundation, Makati Business Club at SM Cares.

Ang mga piniling bibigyan ng bisikleta ay ang mga gumagamit nito bilang pangunahin nilang mode of transportation kapag pumapasok sa trabaho.

Ayon kay DOTr Road Transport and Infrastructure Undersecretary Mark Steven Pastor, nakapaglagay na ng five hundred and sixty kilometers ng Bike Lane Networks sa mga pangunahing metro cities at iba’t ibang localities at rehiyon sa bansa.

Target ng DOTr na mas maparami pa ang mga bike lane sa iba’t ibang lugar sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *