Pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA pinaghahandaan na ng MIAA
Inaasahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na tataas ng 13 hanggang 15 percent ang bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Dec. 15.
Ayon kay MIAA Senior Assistant General Manager Bryan Co, sa ngayon ay umaabot sa 100,000 ang average na bilang ng pasahero araw-araw sa NAIA.
Ito ay pinagsamang bilang ng mga umuuwi at umaalis at domestic at interional operations.
Simula Dec. 15 hanggang sa January, sinabi ni Co na tataas ng hanggang 15 percent ang bilang ng mga pasahero.
Dahil dito sinabi ni Co, na tinitiyak ng MIAA na sapat ang manpower sa NAIA para sa pagdagsa ng mga pasahero. (DDC)