Omicron subvariant BQ.1 na-detect na sa bansa; 14 na kaso naitala ng DOH
May na-detect ng labingapat na kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant na BQ.1.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang 14 na kaso ng BQ.1 ay na-detect sa isinagawang genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, ag tSan Lazaro Hospital mula October 28 hanggang November 18.
Sa 14 na kaso, 13 ang local cases na pawang mula Cordillera Administrative Region, Regions 1, 4A, 7, at National Capital Region (NCR).
Sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na ang BQ.1 ay mas mabilis makahawa kaysa sa ibagn Omicron subvariants. (DDC)